Map Graph

Lansangang-bayang Regalado

Ang Lansangang-bayang Regalado ay isang lansangang may 2.8 kilometro na haba at apat hanggang anim na linya na kumokonekta ng Lansangang Quirino sa Abenida Commonwealth sa hilagang Lungsod Quezon. Isa itong pangunahing lansangan ng Barangay Greater Lagro at Neopolitan Business Park. Ipinangalan itong Lansangang-bayang Regalado upang makita ang kaibahan nito sa kalapit na Abenida Regalado na isa ring pangunahing daan sa pook ng North Fairview.

Read article
Talaksan:9664Mindanao_Avenue_Regalado_Highway_Greater_Lagro_Novaliches_01.jpg